MindfulGames Study: Kumita ng PHP 600 sa loob ng 2 oras*
Kailangan mo lang maglaro ng computer games habang aming mino-monitor ang iyong brain activity, at maaari ka ng kumita ng PHP 600!
Kung ikaw ay 18 years old pataas, maaari kang sumali sa study na ito sa Quezon City.
*1 oras na session sa dalawang magkaibang araw

Lokasyon:
Racket Room Collective, 94 10th Ave, Cubao, Quezon City
Nearby Landmarks: SM Cubao, Ali Mall, Spark Place
Sa study na ito, ikaw ay maglalaro ng simpleng computer game sa loob ng 1 oras habang ini-re-record ang electrical activity ng iyong utak gamit ang EEG helmet.
Walang dapat ipag-alala dahil ligtas ang pag-gamit ng EEG helmet, at hindi kailangan mag-apply ng kahit anong gel o anumang substance sa iyong ulo.
Kailangan mo lamang magsuot ng EEG helmet* para ma-track ang iyong brain activity habang naglalaro ng 50-minute video game.
*Ito ay 100% safe at non-invasive.
Para maka-sali, ikaw dapat ay:
- 18 years old pataas
- Hindi cross-eyed (duling), o nagsusuot ng salamin na mas mataas sa 3 o mas mababa sa -3
- Walang Epilepsy
Kailangan mo ring makapunta sa lokasyan ng study sa Quezon City sa petsa na iyong ini-register para sa dalawang session ng testing.
- Pumunta ng 15 minutes earlier sa iyong time slot para sa briefing
- Mag-dala ng valid ID
- Ihanda ang iyong GCash account
Ang study na ito ay isasagawa ng BruntWork, isang leading outsourcing company sa Pilipinas, para sa isang medical company na layuning mag-develop ng bagong technologies para mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga tao at mga taong may medical conditions.
Ang study na ito ay may dalawang session sa aming opisina sa Quezon City.
Matapos ang 1st session, kami ay mag-i-schedule ng susunod na petsa para sa iyong 2nd session.
Ipadadala namin ang PHP 600 sa iyong GCash account pagkatapos ng 2nd session.
Sagutan lamang ang form sa page na ito.
Kapag ikaw ay nakapasa sa eligibility criteria, kami ay mag-i-email sa’yo ng link para ikaw ay makapag-book ng iyong 1st session.
Register to Participate
Enter your details below and we’ll send you an email to book the time and date of your first session.